Buwan ng Wika Sample Script for Emcee

Sa ating minamahal na Punong-guro, _______________, mga kapwa ko guro,mga minamahal na magulang ng aming mga mag-aaral, sa mga mga-aaral at sa inyong lahat, magandang umaga.

Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng WikangPambansa, Manuel Luiz Quezon. Siya ang naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisaang ating bansa sa pagtalaga ng isang pambansang wika, ang Filipino.

Sa taong ito, ang Paaralang Elementarya ng __________ ay nakikiisa sa buong bansa na ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang, “Filipino Wika ng Karunungan”.

Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaring tumayo tayong lahat upang makinig sa isang panalangin mula kay __________________. at manatiling nakatayo para sa pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni _____________.

******

Ngayon naman ay makinig tayo sa isang Pambungad na Pananalita ni _______________. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

******

Maraming salamat, ____________ para sa iyong pagbukas ng pagdiriwang na ito.

Sa puntong ito, making naman tayo sa mensahe ng ating _______________. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

*****

Maraming salamat, _____________. Talaga namang ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

At dahil tayo nga ay binubuksan ang pagdiriwang ng buwan ng wika, mayroon pong maghahandog sa ating ng isang awit. Siya po ay nagmumula sa ikaapat na baitang. Ito ay walang iba kundi si _____________.

*****

Maraming Salamt, _____________. Tunay ngang nakakabighani ang boses ng isang Pilipino.

Ngayon naman, makinig naman tayo sa pagtalakay ng tema na “Filipino Wika ng Karunungan”. Para mas malaman natin ang ibig sabihin ng temang ito, tatalakayin ito ni ___________________. Bigyan po nating siya ng masigabong palakpakan.

*****

Maraming salamat po, _____________. Tunay nga namang napakahalaga ng paggamit ng ating sariling wika sa pag-aaral ng mga bagay na dapat matutunan upang tayo ay maging isang mabuting mamamayan.

Tatawagin ko naman ngayon ang ikalawang magbibigay sa atin ng inspirasyon sa pamamagitan ng isang awit. Ito ay ihahandog sa ating ng isang mag-aaral na galling sa unang baitang. Bigyan po natin ng palakpakan si__________________.

******

Maraming Salamat, _____________. Kahit maliit pa si ______________, naipapakita na niya ang kanyang talent sa pag-awit. Tunay ngang napakatalento ng Pilipino.

Para naman sa katapusan ng programang ito, makinig tayo sa pangwakas na pananalita ni __________________, guro sa unang baitang.

*****

Maraming salamat Ma’am.

Ngayon naman, sabay sabay nating awitin at sayawin ang isang awit na magpapaalala sa atin sa ating pagiging Pilipino.

2 Comments on "Buwan ng Wika Sample Script for Emcee"

  1. Mahusay! Napakalaki ng naitulong para sa matangumpay na paghohost ng selebrasyon.

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


Content Blocked

To view the content please help us by clicking on one of the social icons, thanks for everything.